Strange, their hands perfectly fit each other, as if the gap between his fingers were entirely made for this woman’s fingers to fill.
Minsan ay sinagip ni Maey ang isang matandang babae mula sa dalawang maton na nananakit dito. Hindi niya inasahan na iyon ang magiging dahilan ng pagbabago ng takbo ng buhay niya. The old lady happened to be the mother-in-law of the President of the Philippines. Palabas lang pala ng matanda ang “lola in distress” na eksenang naabutan niya. May misyon daw kasi ito: ang humanap ng karapat-dapat na babae para sa apo nitong si Gil.
The next thing she knew, buhay-prinsesa na siya habang nakatira sa mansiyon na pag-aari ng pamilya ng Presidente. Subalit may problema siya—hindi marunong ngumiti si Gil. At sa loob ng ilang linggo na magkasama sila sa iisang bubong, ni minsan ay hindi siya kinausap nito.
Balak na sanang umayaw ni Maey sa sitwasyon na kinasuungan niya, pero napasubo siya sa pakiusap ng lola ni Gil na pasayahin niya ang apo nito. Ang problema, sa halip na mapaamo niya ang binata ay ang puso niya ang napapaamo nito.