"Dapat mong malaman na nagbabago rin ang tao kasabay ng pagbabago ng panahon..." High school student pa lang si Larisa ay infatuated na siya kay Paolo, isang enginner at kaibigan ng kuya niya. Nang mag-abroad si Paolo, nangako itong sa pagbabalik ay liligawan siya. Pinanghawakan niya ang pangakong iyon. Pero hindi ito tumupad. Dahilan upang ang lahat ng paghanga at pagpapahalaga niya sa lalaking ito ay nauwing lahat sa labis na pagkasuklam. Makaraan ang limang taon ay muling nagsanga ang kanilang mga landas. Isa na siyang nurse samantalang binata pa rin ito. Pero bakit tila nakalimutan na niya ang galit sa binatang sa hinuha niya'y lalong kumisig at gumuwapo? At paano niya ito iiwasan king siya ang natokang maglinis sa tahi nito?