May kasunduan si Chuchi at ang ama ni Ermenegildo na gagawin niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya upang hindi magkabalikan ang anak nito at si Mitz na dating nobya ng anak nito. Ngunit nang makilala na niya si Ermenegildo ay na-corner siya nito at hindi niya inaasahang makapagtatapat siya rito. Sila naman ang nagkaroon ng kasunduan—magkukunwari siyang ginagawa ang kasunduan niya sa ama nito…
Ngunit sa pagdaan ng mga araw ay ibig na niyang huwag tumupad sa kasunduan nila dahil sa inis niya sa Mitz nito. Kaya nang makipagkasundo si Mitz sa kanya upang mapalayo rito si Ermenegildo ay kaagad siyang pumayag. Ngunit paano kung nakita niyang sadyang dito masaya si Ermenegildo?
Tatlong magkakaibang tao ang pinagkakautangan niya ng kasunduan. Tinraidor nga ba niya ang lahat ng ito nang tinraidor siya ng puso niya at umibig sa puntirya ng lahat ng kasunduang pinasok niya?