“Mula sa araw na ito, wala na akong ibang magiging love kundi ikaw. Solong-solo mo ang love ko.`Pakasawa ka.”
Tracy hated Zac Castillo’s guts. Walang habas kung magpa-cute at magpapansin ito sa kanya kaya parang naging object of flirtation na siya nito. Feeling yata nito ay tulad siya ng mga babae sa campus nila na magsu-swoon mangitian lang nito. Hinding-hindi siya magkakagusto sa flirt na tulad nito. Sumpa man!
Nahamon yata si Kupido kung muog bang hindi matitinag ang conviction niya. Pinakawalan nito ang palaso. Noon niya na-realize na kasintibay lang pala ng kastilyong buhangin ang sumpang binitiwan niya. Dahil nang makilala niyang mabuti si Zac, hindi na nuisance ang tingin niya rito kundi isa nang prinsipe.
Pero sa fairy tale man o sa real life, palagi nang may susulpot na villain. At gagawin ng villain na iyon ang lahat maagaw lang si Zac sa kanya…