Ngayong hinahalik-halikan na nito ang buong mukha niya, tila naging pangunahing pangangailangan na niya iyon mula rito.
Astrid fell for Roald the very first time she met him. Pero nang tangkain niyang ipagtapat iyon dito ay rejection ang napala niya. Kapatid lang ang turing nito sa kanya at ang kapatid niyang si Avon ang gusto nito. Sa kabila ng maikli ngunit magandang pinagsamahan nila ay pilit siyang lumayo rito.
But after a few years, bigla na lang itong kumilos na tila diktador na puwede siyang sitahin nito sa mga ginagawa niya, sa bawat kibot, at kilos niya. Pinakamalala ay ang labis na pakikialam nito sa pagiging malapit niya sa ibang lalaki. Ayaw niyang umasang nagseselos ito at isiping sa wakas ay mahal na rin siya nito. And then he kissed her. Lalong nagkalabo-labo ang sistema niya sa ginawa nitong iyon. But then she let herself be happy with all the sweet things they shared.
Pero daig pa niya ang pinagbagsakan ng langit at lupa nang matuklasang kawanggawa lang ang pagbibigay-atensiyon nito sa kanya. Na hiniling lang iyon dito ng kapatid niya, na bigyang-katuparan ang ilusyong mamahalin din siya nito.