“Ikaw lang ang hahayaan kong mag-take advantage sa `kin. Feel free na nakawan ako lagi ng halik.
Nagkaroon ng malaking problema si Maia nang magsimulang makialam ang papa niya sa love life niyang bokya. Ibinubuyo siya nito at imina-matchmake kay Kahleb. At gusto niyang umiwas sa sitwasyong iyon. Una, hindi siya naniniwalang ang tulad ni Kahleb, na napapalibutan ng naggagandahang kababaihan, ay magkakagusto sa kanya. Pangalawa, at higit na mahalaga, ay si Arthur, ang lalaking siyang tanging nakapukaw ng kakaibang damdamin sa dibdib niya sa unang pagkikita pa lang nila. Buong-tapang siyang humingi ng tulong kay Arthur, para maresolbahan ang kunsumisyong dulot ng kagustuhan ng kanyang amang magka-love life na siya. Pero napahiya lang siya nang tanggihan siya nito.
Tinangka niyang ibaon sa limot ang kagagahang nagawa. Naisip niyang hindi siguro masamang ideya na bigyan niya ng pagkakataon si Kahleb, lalo pa at mukhang tapat ito sa pakikipaglapit sa kanya.
Pero pagkalipas ng ilang araw, bigla na lang sumulpot si Arthur at kumikilos na para silang may relasyon, na labis na nagpapalito sa kanya at sa labis na pagkadismaya niya ay nagpapakilig din sa kanya. Gayunman, hindi pa rin niya magawang paniwalaan ang mga ikinikilos nito.
She tried to avoid him. Pero dahil madalas niya itong nakakasama ay nakilala niya ito nang husto. Lalong nahulog ang loob niya rito. Kahit pa nga sinabi na niya sa kanyang sariling walang patutunguhan ang lahat ng iyon, labis pa rin siyang nasaktan sa nagdudumilat na katotohanang isa lang siya sa mga babaeng naging challenge para dito.
She tried to avoid him. Pero dahil madalas niya itog nakakasama ay nakilala niya ito nang husto. Lalong nahulog ang loob niya rito. Kahit pa nga sinabi na niya sa kanyang sariling walang patutunguhan ang lahat ng iyon, labis pa rin siyang nasaktan sa nagdudumilat na katotohanang isa lang siya sa babaeng naging challenge para dito.