Ayaw niya sa taong masungit. Pero kung ito ang magsusungit sa kanya, okay lang. This girl was really becoming more and more special to him.
Buong buhay ni Ioni ay hindi siya nakipaglapit sa mga lalaki dahil na rin sa warning ng mommy niya. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga lalaki ayon dito. Iniwan kasi sila ng kanyang ama noong ipinagbubuntis pa lang siya ng kanyang ina. Pero ngayon, kinakailangan daw niyang mag-asawa. Nagkaroon ng malubhang sakit ang kanyang ina at sa pagkagulat niya, sinabi nitong kailangan niya ng makakasama kapag nawala na ito sa mundo. Para makasiguro na mapagkakatiwalaan ang lalaking mapipili niya, her mother wanted her to choose her groom from ten eligible men. Sa sampung lalaking ito lamang siya dapat pumili ng mapapangasawa.
Para makasiguro na tama ang mapipili niya, nagpaimbestiga siya. Ang hindi niya napaghandaan ay ang atraksiyong naramdaman niya kay Nathan Malec, a gorgeous detective, whom she hired to investigate the background and character of each of those ten men. Ang laki ng problema ni Ioni. Bakit hindi ito kasama sa pagpipilian niya?