“I love you. Lahat-lahat sa `yo, kasama ang mga kahinaan mo.”
Neish wanted thrill and twist in her life. Kaya sa halip na sinisimulan na niya ang career niya sa kompanya ng pamilya niya ay sa ibang bagay siya abala—sa pagbuo ng plano kung paano niya tatakasan ang ama niya para magawa niya ang gusto niya.
Trip niya ang makaranas ng once-in-a-lifetime adventure kaya kasama ang best friend niya—na kapwa niya self-proclaimed ghost hunter na may “power” kung saan silang dalawa lang ang naniniwala—ay sumugod sila sa Marciana, isang tagong nayon na nababalot diumano ng hiwaga.
Ngunit ang inakala niyang adventure ay panganib pala ang kahihinatnan. Naging target siyang gawing “alay” ng isang misteryosong samahan. Mabuti na lamang at handa siyang protektahan ng guwapong estrangherong nakasama nila sa lumang bahay—si Third.
Ang problema, mukhang ang puso naman niya ang nanga- nganib na mahulog dito…