“Without you I became miserable. You are a part of my very being and I could never be complete or whole without you.”
Paglalaro ng video game ang paraan ni Danyela upang pawiin ang pagod sa magdamag na trabaho. Pero hindi niya inasahan na iyon din ang magiging daan upang makilala ang lalaking papawi sa kahungkagang nadarama ng kanyang puso—si Hermani. He was such a stress reliever. Sa piling ng binata ay palaging winner ang estado ng kanyang puso.
Ngunit sadya nga yatang mapaglaro ang tadhana, dahil kung kailan nag-level up na ang pagtitinginan nila ng binata ay saka naman sumulpot ang kapatid ni Hermani na may hatid na curse sa pagmamahalan nila. Kaya bang magwagi ni Danyela sa laro ng pag-ibig o mauuwi lang sa game over ang lahat?