“Kung maging basketball player man ako at ikaw ang bola, hinding-hindi kita bibitawan para ipasa sa iba.”
Malaki ang pagpapahalaga ni Alexa sa virginity. Sa katunayan, ang pagtutol niyang ibigay iyon ang dahilan kung bakit nagawa siyang ipagpalit ng boyfriend niyang si Melvin sa ibang babae.
Fresh from her breakup with her ex, nakilala niya si Michael, isang bakasyunista sa kanilang probinsiya. Naging magkaibigan sila dahil na rin sa pagiging palabiro ng binata. Nang ligawan siya nito ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.
Siniguro ni Alexa na hindi na mauulit ang ginawang pagkakamali kaya sila nagkahiwalay ni Melvin.
Kaya sa mismong kaarawan ni Michael ay ibinigay ni Alexa ang regalong habang-buhay nitong hindi makakalimutan. He then made her the happiest woman on the planet nang mag-propose ito sa kanya.
Pero sabi nga, life is full of surprises. Napatunayan iyon ni Alexa nang sa mismong araw ng kasal nila ni Michael bago pa man siya makasagot ng “I do” ay…
“Buntis ako at si Michael ang ama,” sabi ni Tia na ex-girlfriend ni Michael…