“Just give in. I know you can feel it, too. This attraction between us.”
Hindi inakala ni Gelai na ang matagal na niyang pangarap na bakasyon sa malaparaisong isla ng Coron, Palawan ay magiging isang honeymoon kasama ang mayamang si Erick Del Mundo. Ang mapagkamalang fiancée ng lalaki at makasama ito nang apat na araw sa iisang kuwarto ay higit pa sa kanyang inaasahan. Sa kabila niyon ay nagawa pa rin niyang i-enjoy ang pangarap na bakasyon habang iniiwasan ang tumitinding atraksiyon sa lalaki. Hanggang sa tuluyan na siyang nahulog sa lalaking malapit na palang matali sa iba…