“Ayokong maging contractual boyfriend mo lang. I want to be regularized. Dahil hindi mag-e-endo ang nararamdaman ko para sa iyo.”
Anim na buwan mula nang lokohin si Felicity ng boyfriend niya ay naisip niyang magbakasyon sa resort ng kanyang best friend. Doon ay nakilala niya si Lyndon—ang guwapong modelo pero hambog na kaibigan ng best friend niya.
Ayon sa lalaki ay in-stalk daw niya ito dahil may gusto siya rito. At hinalikan pa siya para daw tumigil na siya. Ang yabang talaga! Naisip na lang tuloy niyang iwasan ang lalaki para hindi masira ang pagbabakasyon niya.
Pero dalawang araw mula nang magkakilala sila ay may nangyaring milagro sa pagitan nila. Milagro talaga dahil nagising na lang si Felicity na katabi si Lyndon sa kama at pareho silang walang saplot.
Anyare?