Kailangan ni Carmina ng isang sikat na tao para maging subject sa project niya sa eskuwelahan. She had someone in mind. Pero kailangan niyang mag-settle kay Topet Landicho na wala siyang ideya kung ano ang hitsura. Basketball superstar daw ito. She didn't care, wala naman kasi siyang hilig sa sports.
Pero na-curious siya bigla nang may mabasang balita sa diyaryo—may relasyon daw ito sa manager nito na nagkataong tita niya. She had to find out kung totoo iyon. Kailangang protektahan niya ang Tita Jo niya.
Ngunit ang sarili yata niya ang dapat niyang protektahan. Dahil sa unang pagtatama pa lang ng kanilang mga mata, para na siyang nabatubalani rito. Ito na yata ang pinakaguwapong nilalang na nasilayan niya—mula sa itim na itim nitong mga mata, sa sensual nitong mga labi, sa bahagyang tabinging ilong nito, sa height... Her list could go on, hindi niya mauubos ang mga kahanga-hanga nitong katangian.
Natuliro pa ang puso niya dahil sa ipinapakita nitong pagpapahalaga sa kanya. She was almost sure na hahalikan siya nito, pero bigla itong lumayo. And she realized that she had been waiting for that kiss to happen.