“When God made that smile possible for you, he must have thought how badly I needed that smile right now.”
Nasangkot sa isang vehicular accident si Cammi na ikinasawi ng kanyang ama at ikinabulag niya. Pakiwari ni Cammi, lahat ng pag-asa at gana niyang mabuhay, namatay na rin.
Hanggang isang estranghero ang dumating sa buhay niya: si Jarren na inupahan daw ng kanyang best friend upang maging PA niya.
Tinuruan siya ni Jarren na bumangon at muling pahalagahan ang buhay gaano man kahirap iyon gawin. Tinulungan siya nitong makakita ng liwanag sa gitna ng dilim.
Ngunit higit pa roon ang itinuro nito sa kanya. Tinuruan din ni Jarren ang kanyang puso na makaramdam ng isang emosyon na hindi niya akalaing mararamdaman sa uri ng sitwasyong kinasusuungan. He taught her how to fall in love… With him. And that wasn’t so hard.
Pero masusubok ang lalim ng pagmamahal niya sa binata nang sa pagbabalik ng kanyang paningin ay natuklasan niyang may kinalaman pala ito sa pagkamatay ng kanyang ama at pagkabulag niya…