Hindi na nila kailangan ng salita para magkaintindihan ang kanilang mga puso.
Nilisan ni Kaya ang San Nicolas nang hindi nagpapaalam sa isang kaibigan na natutuhan na niyang mahalin. Pinilit niyang kalimutan si Rico sa mahabang panahon ngunit isang pangyayari ang naganap upang pagtagpuin uli ang kanilang mga landas.
Sa halip na anihin ni Kaya ang galit ni Rico sa muling pagkikita nila, ipinaramdam pa nito sa kanya kung gaano siya kahalaga rito at kung gaano ito nangulila sa kanya. At ang inakala niyang pag-ibig para dito na matagumpay niyang naibaon sa limot ay muling umusbong sa kanyang puso.
Ngunit dahil labis na mahal niya si Rico, gagawin niya ang lahat upang sikilin ang kanyang damdamin upang maprotektahan