“I feel so insecure. Ayokong manatili ka sa tabi ko dahil napilitan ka lang. I’m not asking you to love me—yet. But please, give me a chance to prove myself.”
Nabago ang ordinaryong buhay ni Mina nang makilala niya si Lance. Binigyan nito ng kulay at sigla ang lahat sa paligid niya. Everything seemed perfectly fine between them. Pero nagkamali siya ng akala. Nalaman niyang hindi totoo ang lahat ng kabutihang ipinakikita nito sa kanya. May ibang dahilan ito sa pakikipaglapit sa kanya.
Dahil sa matinding sakit na dulot niyon ay nangibang- bansa siya.
Eight years later, she came back. At hindi nag-aksaya ng oras ang tadhana dahil muling nagkrus ang mga landas nila ng binata.
“I’m not going to give up just yet, Mina,” maigting na pahayag nito. “I’m going to make things right for both of us, whether you like it or not.”
Pilitin man niyang kumbinsihin ang sarili na wala na siyang nararamdamang pag-ibig para dito ay hindi niya magawa. Pero dapat pa ba siyang maniwala rito?