Lampin Para Kay Quintin
Kuwento ni Luis P. Gatmaitan
Guhit ni Marcus Nada
Lulang-lula si Quintin sa sinasakyang Viking swing sa karnaba nang bigla siyang nagising at naramdamang basang-basa ang kaniyang likod. Basa na rin ang kaniyang higaan at kumot. Ano'ng nangyari?
Naihi ba ako? Nakakahiya!
Nag-aaral na si Quintin pero may mga gabing naiihi pa rin siya sa kama. May mali ba sa kaniya? Paano niya ito mapipigilan? May pag-asa pa kayang malampasan niya ang pag-ihi sa kama habang natutulog?
Pages: 32
Dimensions: 25 x 23 x 1 cm