Mga Premyadong Kuwentong Pambata - Burnay, Ang Batang Palayok
Kuwento ni Augie Rivera
Guhit ni Danielle Florendo
Sa isang madalim na kusina, nasasabik na ang lahat sa darating na pista, maliban kay Burnay, ang batang palayok. Hindi raw kasi siya gagamitin sa pista, sabi ng kaldero at kaserola, at naniniwala naman siya. Hanggang makilala niya ang ilang kapana-panabik na tauhan na tutulong sa kaniyang matutuhan ang isang mahalagang aral.
Ito ang kauna-unahang kuwento na naisulat ng premyadong kuwentista para sa mga bata na si Augie Rivera na nanalo sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1993. Unang inilabas noong 2001, ang makukulay na ilustrasyon para sa bagong edisyong ito ng libro ay likha ng premyadong ilustrador na si Danielle Florendo.
Pages: 32
Dimensions: 23 x 21 x 1 cm