Kristine Series 2 - Ang Sisiw at ang Agila by Martha Cecilia (NEW VERSION)
Si Jasmin ang napili ni Don Leon na ipakasal kay Nathaniel. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod.
Si Nathaniel ay nagpupuyos sa galit dahil sa manipulasyon ni Don Leon, at sa pagkakaalam ng nitong hindi na birhen ang babaeng pakakasalan. Mahigpit na tradisyon ng pamilya na malinis at marangal na babae lamang ang ipapanhik sa Villa Kristine.
Sa nangyayari'y naiipit si Jasmin sa magkabanggaang maglolo. Kay Don Leon na ang nais ay diktahan ang mga nasasakupan at kay Nathaniel na ang nais ay makawala sa manipulasyon ng matanda.