“When you like someone, you don’t kiss them, you pursue them.”
Nakatakdang mawala sa kanila ang Kanaway dahil sa banta ng kanilang abuelo na si Jeronimo de Gala. Upang makatulong ay pinili ni Julianna o Jules na mag-stick sa tabi ni Lolo Jeronimo nang sa gayon ay makumbinsi niya ang matanda na napapatakbo nilang magpipinsan nang maayos ang Kanaway.
At sa pagsama ni Jules sa kanyang lolo sa Cebu ay nakilala niya si Blake Nichols, ang unang lalaki kung kanino siya nakadama ng atraksiyon. But she didn’t trust him; she didn’t trust men, in general.
But her traitorous heart had already fallen for Blake. Habang tumatagal na nakakasama niya ang lalaki ay lalo ring lumalalim ang kanyang nadarama para dito. At kahit hindi sabihin ni Blake ay ramdam ni Jules na may pagtingin din ito sa kanya. Why else would he stay beside her kung wala itong damdamin para sa kanya?
That was until she discovered the reason Blake was sticking to her like glue. May malaking dahilan ang lalaki—at hindi iyon pag-ibig.
Jules was shattered, but fate seemed to always bring her back to where Blake was.