"We made love. Why do you have to be sarcastic about it?" "Great!" bulalas ni Gee. "Iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Ang makita ni Johnny na lumalabas kami ni Billy ngayon. Tiyak na mamamatay na yun sa selos," kilig na kilig pang sabi niya sa kaibigang si Venus. Magsisisi siya ngayon! Ngunit nag-iba ang expression ng mukha ni Venus. "Paano humalik si Billy, ha? What's the difference? nangingislap sa excitement nitong tanong. Napalabi si Gee. Hindi niya alam ang isasagot. Ano nga ba ang kaibahan ng halik nito sa halik ni Johnny? Ah, hindi niya alam. Dahhil nang hinahalikan siya ni Billy, hindi na niya naalala pa si Johnny.