“We create our own happiness, Patris. At ang mapasaya ka ang fulfillment ng happiness ko.”
Mali ang maghangad ng pagmamay-ari nang iba. Alam iyon ni Patris Buenavista. Pero kahit pigilan niya ang nararamdaman para kay Severino Fortich ay talagang mahal niya ang binata. Kahit pa ang kapatid na si Windy ang nakatakda nitong pakasalan.
But her sister never loved Sev. Tumakas si Windy at tinalikuran si Sev. Nagalit ang binata at handang papanagutin ang Pamilya Buenavista sa lahat ng kanilang atraso.
Naipit si Patris sa sitwasyon, hanggang wala na siyang ibang maisip na paraan kundi ialok ang sarili kay Sev bilang kapalit ng kanyang kapatid.
Wala siyang pagsisisi dahil gusto niyang makasama si Sev sa araw-araw ng kanyang buhay. Pero nagbalik si Windy na handang kunin ang dating pagmamay-ari nito.
Paano na ang pag-ibig ni Patris para kay Sev na minsang binigyan ng katugunan ng binata?