“Hindi ko man kayang ibalik ang mga alaala mo, kaya ko namang bigyan ka ng mga bagong alaala.”
Nayanig ang tahimik na buhay ni Isla at ng kanyang lolo nang may bumagsak na helicopter malapit sa kanilang bayan na malapit sa Mindoro. Nakilala niya si Illo—ang piloto ng helicopter na walang maalala sanhi ng aksidenteng kinaharap nito. Inalagaan niya ito at minahal. At ramdam niyang ganoon din ito sa kanya. O, akala lang ba niya iyon? Dahil nalaman niya ang totoong pakay ng binata kung bakit ito naroroon sa kanila. Na magiging sanhi kung bakit ang tahimik nilang buhay sa isla ay magiging magulo.