“Hindi ako mate-turn off kahit mawala ang poise mo. In fact, gusto ko `yon. You become more beautiful.”
Hiling ng maysakit na ama ni Merlinda na makita sana nitong maikasal siya. Mayroon naman siyang masugid na manliligaw, ubod nga lang ng yabang at hinding-hindi niya papangaraping makasama sa buhay. Isang solusyon ang kanyang naisip—ang hingin ang pabor ng kanyang kaibigan at musikerong si Emperor.
Ang sagot ni Emperor: “Ligawan mo muna ako.”
Dahil desperadang makasal kaagad ay pumayag si Merlinda. Pero ano bang malay niya sa panliligaw? Disappointed sa performance ni Merlinda si Emperor kaya dapat muna raw siyang matuto ng Courtship 101.
Pero hindi lang iyon ang natutuhan niya sa binata. May isa pa itong itinuro: Heartbreak 101.