“Sandali pa lang kitang nakikilala pero sa mga nakita ko sa iyo, ramdam ko, you’re a treasure… You’re very special.”
Kahit yata sa gate ng friend zone ay hindi papapasukin si Earl ni Salve. Walang appeal sa dalaga ang kaguwapuhan ng isang tsinitong gaya niya. Pero kailangan ni Earl na makapasok. Dahil kailangan niya si Salve. Nararamdaman niya na may mahalagang misyon na gagampanan ang dalaga para matakasan niya ang isang stalker. Ang stalker na obsessed na mabingwit siya at gawing asawa.
Hindi papayagan ni Earl na mangyari na maging asawa siya ng isang babaeng hindi niya mahal at hindi matututuhang mahalin. Ang susi para hindi siya mapasubo sa stalker ay si Salve.
Ang kaso ay nakialam ang tadhana sa kanilang dalawa. Siya ngayon ang mapapasubong magpakasal kay Salve…