“My love for you is so intense na lumilipad palabas ng bintana lahat ng logic sa utak ko.”
Matagal nang itinitibok ng puso ni Dani si Damian. Pero bale-wala naman siya sa binata. Noong muntik nang may mangyari sa kanila, bigla na lang itong umalis nang walang paalam.
Nang bumalik ito, nagpanggap itong manliligaw niya upang matigil na sa pag-aalala ang buong pamilya niya na depressed siya dahil sa pang-iiwan sa kanya ng boyfriend niya. Na-“upgrade” sa pagiging nobyo ang pagpapanggap nito. Pero nauwi rin sa wala ang kuwento nila dahil sa ex-girlfriend nito.
After two years, he came back to her life once again and claimed that he love her still.
Sa tagal ng ipinaghintay niya na sabihin nitong mahal siya nito ay maniniwala ba agad siya rito?