"So... this is not a marriage proposal." Mapait na tumawa si Rommel. "Just a hold up. For money." May problema si Jam. Buntis siya. At si Rommel ang ama ng batang dinadala niya. Nakipagkita siya rito upang ipaalam ang sitwasyon at pagkaraan ng maraming panunuya at masasakit na salita, pumayag itong bigyan siya ng pinansiyal na tulong... pero may kondisyon. Kailangan niyang lumipat sa condo unit nito. Wala siyang choice kundi sundin ang demands ni Rommel. Nasakal ang kalayaan niya sa lalaki. Pinanghimasukan nito ang kanyang mga desisyon. Dapat nang matuwa si Jam. Tulad ng inaasahan, nagiging totoong tao na ang lalaking minahal niya sa isip. Nagkakaroon na ng mantsa ang perfect image nito na binuo niya sa kanyang pantasya. Nagkakabahid na ang mga kapintasan. Sooner or later, lalaya na siya sa ilusyon niyang pag-ibig... Ngunit hindi niya na makuhang magsaya... dahil unti-unti'y natuklasan ni Jam na, sinner or saint, si Rommel lamang ang iibigin niya hanggang sa huling sandali ng kanyang hininga...