Pagkalipas ng anim na taon, bumalik si Harlene sa kanyang pamilya kahit walang kasiguruhan kung magiging maganda ang pagtanggap sa kanya ng mga ito. Wala siyang ibang hangarin kundi ang makasama uli ang kanyang mga anak at ang pinakamamahal niyang asawang si Graham. Ngunit katulad ng kanyang inaasahan, mas malamig pa sa yelo ang naging pagsalubong nito sa kanya.
Hindi niya ito masisisi. Sino nga ba ang matutuwang makita siya pagkatapos niyang umalis nang walang paalam?
She begged him to accept her back so she could make it up to them.
“Paano kung sabihin ko sa `yo na ang magiging kapalit ng pagpayag ko ay ang muli kong pagsiping sa iyo? My lonely bed is waiting for the return of my wife,” mariing sabi nito.
Upon hearing his take-it-or-leave-it condition, batid niyang simula na iyon ng paglasap niya sa paghihiganti nito…