“Pangalan mo nga hindi ko maangkin, puso mo pa kaya?”
Para makamit ang pangarap na maging isang singer, iniwan ni Lily si Baste. Makalipas ang sampung taon, nagbalik siya sa San Bartolome bilang si Yana Gomez, isang sikat nang singer. Nagbalik siya dahil sa kabila ng tagumpay ay hindi nawala sa kanyang puso ang lalaking iniwan.
“Matagal na `yon at parte na lamang ng nakaraan… Ibaon na natin sa limot, tutal pareho na tayong may kanya-kanyang buhay.”
Nasaktan nang labis si Lily sa mga sinabi ni Baste ngunit hindi siya nagpahalata. She should have seen it coming. What was she thinking?
Rejection mula kay Baste ang dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi siya naging handa na magbalik sa San Bartolome. Dahil alam niyang wala na siyang babalikan. But she could not let go. So she made herself believe that maybe, just maybe, there might still be a chance, a second chance, for her and Baste.
But she was wrong. Ikakasal na nga ito sa babaeng ipinalit sa kanya.
Kung sana ay hindi siya bumitaw noon..