“Kung magmamahal akong muli, ikaw ang pipiliin kong mahalin. Karapat-dapat kang pahalagahan, ingatan, protektahan, at mahalin nang buong puso’t kaluluwa.”
Sanhi ng natuklasan ni Harriet na panloloko sa kanya ng fiancé niyang si Romel ay naaksidente siya na muntik nang kumitil sa kanyang buhay. Pagkatapos niyang maka-recover sa malagim na aksidente ay nagpasya siyang iwan pansamantala ang mundo ng showbiz at ang Pilipinas. Nagtungo siya sa Prague upang doon ay paghilumin ang kanyang sugatang puso. Doon ay umeksena sa pagbabakasyon niya si Lyeopardo Montierro, ang guwapong businessman pero ubod ng suplado at sungit!
Subalit nang matuklasan niya ang dahilan ng pagiging ganoon nito, saka niya naunawaang halos pareho pala sila ng nararamdaman dulot ng kanilang kabiguan sa mga taong kanilang minahal at pinagkatiwalaan. Dahil doon ay naging palagay ang loob nila sa isa’t isa. Hanggang sa lumipas pa ang mga araw na nasanay na silang kasama ang isa’t isa. But the unexpected happened... She eventually fell in love with Lye. At nang minsang ipagtapat niya iyon dito, ni-reject siya nito. Pero pagkatapos siyang tanggihan nito ay saka pa siya hinalikan nito na tila ba tahimik na tinutugon din ang damdamin niya.