“Bawat araw, ikinokonsidera ko na isang hakbang palapit sa goal ko… ang makasama ka…”
Sa loob ng tatlong taon na naging boss ni Chai si Primo ay nanatiling purely professional ang relationship nila. Okay, fine, aminado siyang napupuri niya ang kasipagan, kaguwapuhan, at ka-macho-han ng binata pero hanggang doon lang. Nang sabihin nitong mare-reassign siya sa ipinatatayo nitong farm ay pumayag siya kahit na ang ibig sabihin ay titira sila sa iisang bahay. Sa iisang kuwarto lang din daw sila matutulog.
Pero nang magtabi na sila at dead-mahin ni Primo ang alindog ni Chai ay tila may nasaling sa kanya. Nainsulto siya na parang hindi isang babae ang tingin nito sa kanya. Mas nainis pa siya nang malaman na matagal na palang may usapan si Primo at ang nanay niya na pakakasalan siya ng binata balang-araw. Ang future husband niya, wala ni katiting na pagnanasa sa kanya? Ay, nakakaloka!
Ipinakita ni Chai kay Primo ang mga bagay na pinalalagpas nito.