“Gusto mo talaga ako, ano? Aminin mo na. Kung hindi, hahalikan uli kita.”
Frustrating si Flynn para kay Judie. Utu-uto ang lalaki, wimpy, at sunod-sunuran sa nobyang disgrasyada, pati buong angkan niyon. At hindi ikinubli ni Judie ang nararamdamang iyon.
Pero isang araw ay naospital si Flynn at napakiusapan si Judie ng kuya niya na best friend ni Flynn na dalawin palagi ang binata habang may inaasikaso ang kanyang kuya. At sa minsang pagdalaw ni Judie ay may naganap na hindi inaasahan na nagpangarag sa kanya at nagpagulo sa kanyang puso…