“You still taste the same. Exactly as I remembered it. Sweet and very addicting.”
Miya hated Treyton Villaruel. Ito ang dahilan kung bakit nawala ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. She blamed him for everything. At ang mas ikinagagalit niya ay parang hindi man lang nito pinagsisisihan ang nangyari. He lived his life as if nothing happened.
For years, nagawa ni Miya na iwasan ang lalaki, taking every measure to make sure na hindi magtatagpo ang mga landas nila. Because every time they met, nauuwi lang iyon sa pagtatalo. A heated argument that always ended with them exchanging painful words. Pero mahilig nga yatang magbiro ang tadhana, because their paths crossed again.
Sinubukang humingi ni Treyton ng tawad to patch up everything between them. Pero paano niya ibibigay ang kapatawarang iyon kung may isang malaking sekreto rin siyang itinatago?