"When I look at you, I see the beautiful future. I see the woman I fell in love with. I see the love of my life." Kung may natutunan man si Johanna sa buhay pagkatapos siyang takbuhan ng mapapangasawa niya sa araw ng kanilang kasal, sa mismong harap ng altar, iyon ay walang kasiguruhan ang anumang bagay sa mundo. Napagpasyahan niyang umuwi sa Pilipinas upang paghilumin ang mga sugat. Nagtungo siya sa bar gabi-gabi. Her best friend was afraid she would self-destruct Sa unang bar na napuntahan ay nakilala ni Johanna ang isang napakaguwapong lalaki. They talked without giving each other's name and number. Nang sumunod uling gabi, sa ibang bar ay muli silang nagkita nang hindi sinasadya. Makailang beses silang nagtagpo kahit na hindi nila pinag-uusapang magkita. Naisip niya na waring pinagtatagpo sila ng tadhana. Dahil sariwa pa kay Johanna ang nangyaring pag-iwan sa kanya ng longtime boyfriend, ayaw muna niyang mapaugnay sa kahit na sinong lalaki. She stopped going in the bars. Ngunit waring talagang pinagtatagpo sila ng lalaki dahil muli silang nagkita sa loob ng operating room. The man was Dr. Garrett Mendoza, isang mahusay na siruhano sa bagong ospital na pinagtatrabahuhan ni Johanna. Was he the one? Iyon ba ang nais sabihin ng tadhana sa kanya?