Nahirapan ka nang husto dahil sa akin pero mahal mo pa rin ako. Hindi ba `yon naman dapat ang ginagawa ng pag-ibig? Ang lagpasan ang lahat ng balakid at magtagumpay sa huli?
Kailangan ng malaking pera ang paaralang pinagtuturuan ni Eliza upang hindi matuloy ang pagsasara niyon. Noon biglang sumulpot sa harap ng apartment niya si Leo Valente, ang lalaking nakilala niya apat na taon na ang nakararaan at ang lalaking minahal niya at nag-alok sa kanya ng kasal ngunit kinailangan niyang tanggihan dahil committed na siya sa ibang lalaki.
Ngayon ay inaalok siya ni Leo ng isang deal: ang maging yaya ng anak nito kapalit ang napakalaking halaga na maaaring magsalba sa kanilang paaralan. Pumayag si Eliza. Habang kasama niya ang binata ay ramdam na ramdam pa rin niya ang atraksiyon nila sa isat isa. Subalit malinaw nitong sinabi sa kanya na iba na ang sitwasyon. Na katawan na lang niya ang gusto nito ngayon. Habang siya, sa kaloob-looban niya ay alam niyang mas malalim ang nararamdaman niya para sa lalaki.
Subalit wala rin namang patutunguhan ang muling pag-usbong ng damdamin ni Eliza para kay Leo. Tulad pa rin noon ang sitwasyon nilahindi pa rin niya ito maaaring piliin dahil sa isang lihim.