“I was kinda hoping you were feeling the same as I was. Baka `kako in love ka rin sa akin like I am with you.”
Dahil sa isang aksidenteng kinasangkutan ni Hesta at ng kanyang estranged twin sister, nalagay siya sa posisyon na sobrang pabor sa kanya. Napunta siya sa piling ng kaibigan ng kanyang kapatid—sa guwapong heart surgeon na si Dr. Peregrine Honor. Hindi niya sukat-akalain na ito rin pala ang lalaking inirereto sa kanya ng kinamumuhian niyang ama. Hindi niya ito sinipot noon sa supposed dinner date nila kaya ganoon na lang ang pagsisisi niya.
Pero kung kailan nagiging promising na ang mga bagay- bagay sa kanila ng binata, saka naman biglang pumasok sa eksena ang ex-fiancée nito. Well, hindi na siya dapat magtaka kung bokya na naman siya.
Talagang malas yata siya sa pag-ibig…