Inilihim ni Shedda sa ina ang pagpunta sa mansiyon nila sa Cairo. Sigurado kasing tututulan nito ang paghahanap niya sa isa pang lost pyramid ng Egypt. Hindi pa man nakakadalawang araw sa mansiyon ay binulabog na siya ng isang nakamaskarang lalaki na ninakawan siya ng halik at sinabing nakikitira ito sa mansiyon nila.
Then she met Rushdi. Hindi maitatangi na gusto siya ng binata. At nang halikan siya nito, hindi mapigilan ni Shedda na maisip muli ang lalaking nakamaskara. Pareho ang paraan ng paghalik ng dalawa.
Pero kahit gaano kainit ang mga tagpo sa pagitan nila ng lalaking nakamaskara, mas safe choice si Rushdi. After all, hindi ito nakamaskara at totoo sa kanya.
Pero totoo nga ba?