"Baby, can you please put your lips on mine? Ayokong makalimutan ang lasa ng halik mo kapag malayo ka na sa piling ko." Sa nakaraang Cezanne mission ng Voyage Team ay sinisi nang husto ni Cruize ang sarili sa pagkabulilyaso ng grupo. Napasok ng isang mole ang kanilang ahensiya, isang bagay na labis niyang ipinagtataka. Bilang leader ng team, he had to clean up the slate that he had done kahit na nga ba ang kapalit pa niyon ay ang sariling buhay. Kailangan niyang mamili kung kanino ibibigay ang loyalty—sa Catacombs ba na siyang dahilan kung bakit siya naroroon sa Pouvoir o sa Pouvoir mismo, ang ahensiyang nagturo sa kanya ng salitang pag-ibig at pakikipagkaibigan? Sa pagpili ni Cruize sa Pouvoir—ang pangunahing dahilan kung bakit nanganib—ay hindi niya akalaing mas dapat pa pala niyang ipagpasalamat ang muntik nang pakikipagkita kay Kamatayan. Sa bingit ng kamatayang iyon niya pala nakatakdang makilala si Estela, ang babaeng magpapabago sa kaisipang wala nang pag-asa pang lumigaya sa pag-ibig ang isang katulad niyang napakaraming itinatagong kalansay sa nakaraan.