"Alam kong hindi kita obligasyon pero gusto kong maging obligasyon ka. Can't you see that I care about you, Persefene?" Nang mabulilyaso ang misyon ng Voyage, si Persefene ang nahuli ng CIA operatives. At para sa mga katulad nilang treasure hunters, ang pagkahuli sa kanila ay isa lamang ang ibig sabihin—KAMATAYAN. Mas nanaisin pa nilang mamatay sa ngalan ng Pouvoir kaysa sila pa ang maging dahilan para mabunyag ang secret organization. Sigurado naman siyang ililigtas siya ng mga kagrupo. Ang kinatatakutan lang niya ay ang linyang "huli na ang lahat" para sa kanya. Time was of the essence... Nakatakas si Persefene sa kamay ng mga operatiba sa tulong na rin ng Voyage Team. Ang tanging hindi lang niya natakasan ay si Hunter Cross mismo—ang leader ng operatibang nakahuli sa kanya at ang paniningil nito ng "danyo perhuwisyo" na sinasabi nito. Kapalit daw iyon ng hindi paghantad ni Hunter sa kanya sa awtoridad at sa publiko bilang si Persefene Lockheart.