You deserve someone better. But I told myself and Im telling you now, handa akong gawin ang lahat, maging karapat-dapat lang ako sa `yo.
Nang makita ni Tara ang napakaguwapong lalaking nagdya-jogging sa tapat ng kanyang bahay ay tinubuan siya ng romansa sa katawan. Bigla na lang uminit at lumambot ang frigid niyang damdamin at ipinangako sa sariling gagawing boyfriend ang tinagurian niyang si Mr. Sweat suit. Kaya naman nagbuhos talaga siya ng effort para mapalapit kay Mr. Sweat suit at nakipagpustahan pa sa mga kaibigan na sa pagpapalit ng buwan ay magiging girlfriend siya ng guwapong lalaki.
Niyaya pa nga niya itong magkape. Sorry, I dont drink coffee. Iyon ang malamig na tugon sa kanya ni Vim, aka Mr. Sweat suit.
Gumuho lahat ng motibasyon ni Tara para mapasagot ito. Ngunit hindi iyon nagpababa ng kanyang confidence dahil siya, si Tara Toribias, ay hindi kilala ang salitang pagsuko. Sa halip, pinursigi talaga niya si Vim.
Subalit nang malamang may girlfriend na itong nanghahampas ang kaseksihan, medyo umalog ang kanyang ulo at umurong nang one-fourth ang kanyang buntot.
Paano na ang pangarap niyang maging first boyfriend si Mr. Sweat suit?