“Gusto kong ipangako mo sa akin na may future tayo. Na hindi ako naghihintay sa wala.”
Nang muntik nang madukot si Care ng mga terorista, isang grupo ng mga rebelde ang nagligtas sa kanya. Nakahinga siya nang maluwag dahil mga kasamahan ni Ash ang nagligtas sa kanya.
Ash was her masked hero. Sa ilang taon nilang pagkakaibigan, parati itong dumadating kapag nasa panganib siya. Kahit hindi pa niya nakikita ang mukha nito ni minsan, ipinagkakatiwala niya rito ang kanyang buhay. Kaya habang nasa isla siya, naghintay siya para kay Ash.
Pero ibang tao ang nakasama niya—si Ross, ang prinsipe ng Elestia na mahina at duwag. Ni wala nga yata itong ideya sa nangyayari sa paligid nila kahit na nadukot na ito. His only saving grace was his charm. Gayunman, aaminin ni Care na magaan ang loob niya rito. Kung minsan kasi, parang pamilyar ang mga sinasabi at ikinikilos nito.
Nalaman niya kung bakit komportable siya kay Ross nang umatake sa isla ang mga terorista. Nawala ang prinsipe... pero dumating naman si Ash para iligtas siya.
Hindi naman ganoon kamanhid si Care para hindi mapaisip. Posible ba na ang rebeldeng si Ash at ang clueless prince na si Ross ay iisa?