Because the moment she first smiled at him, he was already caught in that never-ending web of love.
Nagising si Clarenza na nasa isang uninhabited island. Ang huling natatandaan niya ay nabaril siya at nalaglag sa cruise ship—kung saan ginaganap ang import-export/trade agreement sa pagitan ng bansang Pilipinas at ng Elestia—nang atakihin ng mga terorista ang barko. Being the second daughter of the president, she was there.
Nalaman ni Clarenza na may kasama siya sa isla—ang lalaking nagpanginig sa laman niya sa galit—si Lancer. Ang walang-modong Briton na nakabangga sa kanya sa airport at hindi man lang nag-sorry. Naroon din si Lancer sa cruise ship na labis na ipinagtaka niya.
Sa ilang araw na pananatili nila sa isla, natuklasan ni Clarenza na kahit may-pagkaarogante si Lancer ay hindi siya pinabayaan ng lalaki. Mula sa paghahanap ng pagkain at paggamot sa sugat niya ay ito ang gumawa. Hanggang sa gumawa si Lancer ng balsa para makaalis sila ng isla dahil malabong marating iyon ng rescue team.
Ngunit magkahalo ang damdamin ni Clarenza sa pag-alis nila ng isla. Masaya siya na makakauwi na sila at malungkot dahil umiibig na siya kay Lancer at iyon na marahil ang paghihiwalay nila…