“Gustung-gusto kita at siguradong walang pupuntahan ang nararamdaman kong `to kundi mahalin ka.”
Jovan Mondejar, 26, single, visual artist, drummer, broad shoulders and killer smile.
Hindi makakalimutan ni Jill ang information tungkol kay Applicant #29 na hindi nakapasa sa kanyang interview. Pero of all people, si Jovan pa ang sumaklolo sa kanya mula sa isang snatcher. Doon nagsimulang makilala niya ang gwapong binata. Miyembro pala ito ng bandang Electric na kinalolokohan ng napakaraming babae.
May reputasyon ng pagiging babaero at happy-go-lucky ang Electric. At kagagaling lamang ni Jill mula sa breakup. Pero masyadong malakas ang magnet na taglay ni Jovan at mahirap itong layuan. Kaya sa pangalawang araw pa lang ng kanilang pagkakakilala ay naging boyfriend na niya ang guwapong drummer.
“Special na special ka sa akin, Jill. Sabi nga ng bandmate ko, ikaw ang ‘siopao na special’ ng buhay ko. Lagi ko kasing sinasabing special ka, eh, siopao lang daw ang alam niyang special.”
Pero paano maniniwala si Jill sa sinabing iyon ni Jovan kung siya mismo ang nakakita sa pakikipaghalikan nito sa ibang babae?!