He always felt that desire for her. He wanted to kiss her, touch her, embrace her. He wanted more of her.
Katulad sa mga nababasa niyang romance novel, nangangarap din si Jenny ng isang Prince Charming at happily ever after. Umabot pa siya sa puntong ginaya ang isang eksena sa kanyang nabasa—pumunta sa isang amusement park, hoping na makakabangga roon ang kanyang “the one.” Ngunit hindi pala sa lugar ng mga carousel at Ferris wheel niya makikita si Prince Charming kundi sa dalampasigan ng beach resort na pinuntahan niya upang magbakasyon. Iyon nga lang, mistulang Sleeping Beauty ang lalaki dahil natagpuan niyang walang malay. Worst, nang magising ay may amnesia pa!
Habang nagpapagaling ay kinupkop muna ni Jenny si “Lance.” At dahil palaging magkasama ay naging malapit sila sa isa’t isa. Ipinadama sa kanya ni Lance ang walang pagsidlang kaligayahan. Umiibig na nga yata siya sa lalaki, at mukhang ganoon din ito sa kanya. Sa wakas, iyon na yata ang pinakahihintay niyang happily ever after, kasama ang kanyang Prince Charming.
Hanggang sa dumating ang kanyang kinatatakutan. Nagbalik ang alaala ni Lance…