“Stop worrying that I’ll leave you behind. Dahil kung iiwan kita, siguradong mas masasaktan ako sa ating dalawa.”
Maganda si Maria at sikat sa university na pinapasukan niya. But she was a loner. Wala siyang masyadong kaibigan. Binansagan pa siyang “stalker” sa university dahil ini-stalk niya raw ang mga lalaking nagugustuhan.
Meanwhile, Jiro was about to give up his assignment as a contributor in their school paper. Si Maria ang subject niya sa article na ini-assign ng editor in chief ng school paper nila. Pero na-challenge siya nang makausap ang dalaga dahil parang wala siyang appeal dito. Mula noon ay siya naman ang naging stalker ng dalaga. Hanggang sa maging girlfriend niya si Maria.
Masaya na sana si Jiro ngunit may mga pagkakataon na napupuna niyang tila hindi komportable si Maria sa kanya, samantalang komportable naman ito kay Zero—ang sikat na soccer player sa kanilang university.
It looked like Maria would drop Jiro like a hot potato. Ano ba ang gimmick ng babaeng ito?