“Hindi ako makapapayag na may manakit sa `yo hanggang naririto ako. Poprotektahan kita buong buhay ko.”
Isang high-profile model-endorser at resorts tycoon heiress si Ellicia Imperial. She almost got everything in life, plus she has a decent boyfriend sa katauhan ni Marcus. Ngunit ang lahat ng iyon ay nanganganib na mawala sa kanya dahil sa isang pangyayari. Dinukot siya ng isang misteryosong lalaki—si Dante.
Ngunit mas hindi niya inaasahan na ang lalaki pala ang magliligtas sa kanya mula sa tunay na kapahamakang gustong gawin ng tunay na mastermind ng kanyang pagkakadukot. Mukhang hindi nagkamali si Ellicia sa mga nakita niyang magaganda nitong katangian. Isinumpa niya si Dante noong una, ngunit ngayon ay handa siyang ipagkatiwala rito ang kanyang buhay—at maging ang kanyang puso.
Now she was beginning to believe that you could fall in love even with the last person in the world you wanted to be with.