“You are my rose. And I am your thorns.Thorns that will always protect you, clutching you.”
There’s truly magic when two people fall in love…
Si Luis Gabriel Salvatierra—guwapo, isang architect at tagapagmana ng Salvatierra Construction. In short, a man whom every woman would die for to be with. Ngunit sa likod ng mga tinatamasang tagumpay ay may isang masakit na katotohanan; hinding-hindi niya makakamit ang puso ng babaeng tangi niyang minamahal—si Heart Ibanez.
He would do everything for her to love him back. Pero paano siya magagawang mahalin ng babaeng nakakulong na sa pagmamahal ng iba? Isang lalaking patay na ang katunggali niya sa puso ng dalaga. Paano siya lalaban?
Still, ipaglalaban ni Luis Gabriel ang pagmamahal niya para kay Heart, no matter what.