Every time he kissed her, she was burning.
Tila isang lagnat na ayaw gumaling. He always had the power to control her whenever he touched her.
Alam ni Lora na mali ang makipagrelasyon sa Greek boss niyang si Alexandros Zouvelekis. She didn’t mix business with pleasure. Pero nang makipaglapit sa kanya ang lalaki ay nawala ang lahat ng kanyang depensa. Ibinigay niya rito ang kanyang sarili.
Hindi niya kayang patuloy na maging empleyado ni Alexandros pagkatapos ng nangyari kaya nagdesisyon siyang mag-resign. Sinira niya ang kanyang patakaran. Nagpadala siya sa pang-aakit ni Alexandros. Alam niyang lubos iyong makakaapekto sa trabaho niya at hindi niya iyon gusto.
“Tatanggapin ko ang resignation letter mo sa isang kondisyon,” ani Alexandros. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Be my mistress…”
Papayag ba si Lora sa kabila ng kaalamang engaged na si Alexandros sa ibang babae?