“We are like magnets. Ako ang negative at ikaw naman ang positive. Sa kabila ng mga nagawa kong kasalanan sa `yo, nandito ka pa rin para sa `kin. And no matter how much I run away from you, I always end up being attached to you.”
Kilala si Clari bilang isang magaling na leader pero hindi ibig sabihin niyon ay magaling na siya sa lahat ng bagay. Academically, hindi naman talaga siya matalino. Kaya pinaturuan siya ng kanilang professor sa geek niyang kaklase—si Eugene.
Hindi niya puwedeng ipahalata na may gusto siya kay Eugene. He was out of her league. Isa pa, hindi pa siya puwedeng magnobyo. Ngunit nagbago ang lahat nang magtapat si Eugene na may gusto ito sa kanya. Sinagot niya ang lalaki pero nanatiling sekreto ang relasyon nila dahil na rin sa maraming kadahilanan.
Napatunayan ni Clari na masamang magtago ng mga sekreto. Dahil itinago niya si Eugene, naging dahilan tuloy iyon para magkasira sila at magkahiwalay.
Pitong taon na ang nakalipas pero hindi pa rin nalilimutan ni Clari si Eugene. Mukhang naawa naman sa kanya ang tadhana. Pinagtagpo uli sila ni Eugene pero sa pagkakataong iyon ay nasangkot sa aksidente ang dating nobyo at nawala sa memorya ang pitong taon ng buhay nito, kung saan magkarelasyon sila.
Kung kuhanin kaya niya ang pagkakataong iyon para mapalapit uli kay Eugene?