Minsan nang nagmahal si Rian at hindi maganda ang kinahi- natnan niyon. Dahil doon ay nabuo ang paniniwala niya na mas payapa ang kalooban niya kung zero ang love life niya.
Isa pa, bilang marine biologist, pakiramdam niya ay mas may kabuluhan ang ginagawa niyang pagsagip sa mga marine animals na malapit nang mabura sa mundo ang lahi.
Until Mike came along. Siya lang ang nagbigay ng pangalan ditong "Mike" dahil ni hindi nito maalala ang pangalan nito. Biktima ito ng isang trahedya at nang mahango ito inula sa karagatan ay inakala niya na wala na itong buhay.
He was the worst guy to feel something for. Ni hindi nga niya alam kung lima na ang asawa nito at sampu ang anak. But feel something for him she did. At ito man ay mukhang kagaya niyang may taglay na kabaliwan dahil naging malapit din ito sa kanya.
Pero sa simula pa lang ay alam na niyang panandalian lang ang panahong magkakasama sila. At nang sa wakas ay mahagilap na nito ang nawawalang alaala ay natuklasan niya na totoo ang pinangangambahan niya: hindi na ito malaya.